Clean-Up Drive isinagawa sa Peñarada, Nueva Ecija

Nagkaisa ang mamamayan at PNP sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Sinasajan at Las Piñas, Peñarada, Nueva Ecija nito lamang Sabado, ika-15 ng Abril 2023.

Dinaluhan ito ng Local Government Unit ng Peñarada sa pangunguna ni Hon. Joselito A Ramos, Municipal Mayor.

Nakipagtulungan rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group.

Nagwalis at namulot ang grupo ng mga basura at plastik na nakakalat sa nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *