KKDAT Tinglayan Chapter nakiisa sa isinagawang Clean-Up Drive

Nakiisa sa isinagawang clean-up drive ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Tinglayan Chapter sa Ambato, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-15 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tinglayan PNP kaisa ang mga miyembro ng KKDAT Tinglayan Chapter katuwang ang mga Faith Based Leaders at mga guro sa nasabing lugar.

Sama sama nilang nilinis ang paligid ng Northern Luzon Presbyterian Church, Ambato, Ti Tinglayan, nagpulot ng mga basura, nagputol ng mga damo at halaman upang mapanatili ang kalinisan sa paligid ng simbahan.

Ang aktibidad ay alinsunod sa KASIMBAYANAN sa Barangay na naglalayon palakasin ang ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan laban sa kriminalidad tungo sa kaayusan at kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *