Babatngon Advocacy Support Groups, nakilahok sa Tree Planting Activity
Babatngon, Leyte – Nakilahok ang mga kasapi ng Advocacy Support Groups ng Babatngon sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. District 1, Babatngon, Leyte nitong Linggo ng umaga, Abril 23, 2023.
Aktibong nakilahok din sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng VDVC, PCSO, STL Academy, Municipal Environment and Natural Resources Office Babatngon at mga residente ng nasabing lugar kaagapay ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office sa pangangasiwa ni PCol Edwin C Balles, Provincial Director.
Mahigit 800 na seedlings ng Miapi at Pagatpat ang naitanim ng mga grupo sa nasabing lugar.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng World Earth Day 2023 na may temang: “One Tree One Hope Together We Can Invest in Our Planet”.
Layunin ng aktibidad na bawasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima, pagbaha at pagguho ng lupa, at para na rin sa rehabilitasyon ng natural habitat.