Ika- 110th LAB Project, itinurn-over sa Catigbian, Bohol
Matagumpay na itinurn-over kamakailan lamang ang ika-110th Libreng Alagad ug Balay (LAB) Project sa isang benepisyaryo sa Purok 6, Rizal, Catigbian, Bohol nito lamang February 26, 2026.
Kinilala ang nasabing benepisyaryo na si Felipi Lumiguid at ang kaniyang asawa na si Lilibeth-isang person with disability (PWD) kasama ang dalawa nilang mga anak. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang panganay nilang anak na naging sanhi ng maagang pagkamatay nito.

Hindi na natigil ang kanilang paghihirap ng humagupit ang Bagyong Odette sa buong lalawigan ng Bohol kung saan nasira ang kanilang bahay.
Ang Project LAB ay flagship program na pinunduhan ni Governor Erico Aristotle Aumentado at Congresswoman Vanessa Aumentado na mainit namang sinupurtahan nina PLTCOL JOSEPH P BERONDO, Chief, PCADU at PMAJ JESUS DAPLIN, Chief of Police ng Catigbian Municipal Police Station; katuwang ang Barangay Rizal Council sa pamumuno naman ni Chairman Elorde Polbos.

Habang itinurn-over ang susi ng kanilang bagong bahay, mas pinagtibay pa ng mga awtorudad sa Bohol ang kanilang hangarin na tumulong sa mga residente sa kahit anong paraan.