Clean-Up Drive isinagawa sa Bulacan
Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paglilinis sa kapaligiran ng Barangay Hinukay, Baliwag City, Bulacan nito lamang Sabado, ika-22 ng Abril 2023.
Nilahukan ito ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office, Baliwag PNP, BFP, mga miyembro ng TUPAD , Baliwag City Jail at mga opisyal ng nasabing barangay.
Nagtulungan sa pagwawalis ng mga nakakalat na basura ang naturang grupo.
Patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng pamayanan.