Coastal Clean-up Drive, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa San Juan, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang Advocacy Support Groups sa dalampasigan ng Brgy. San Isidro, San Juan, Ilocos Sur nito lamang Sabado, ika-6 ng Mayo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang mga Barangay officials ng nasabing barangay, mga estudyante mula San Juan National High School, at San Juan PNP sa pangunguna ni Police Major Christopher D. Ramat, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang mga aktibidad na may pakay na linisin ang kapaligiran at karagatan nang sa gayon ay mapigilan ang lumalalang mga polusyon.

Samantala, patuloy naman ang iba’t ibang grupo at ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga aktibidad na nagnanais na ibalik ang ganda at sigla ng kalikasan.

Source: San Juan Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *