Advocacy Support Groups nagsagawa ng Community Outreach Program sa Malabon City

Tulong-tulong ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups ng Malabon sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Civic Center Rotary Club, Malabon City nito lamang Linggo, Mayo 7, 2023.

Ang aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ni Mrs. Luz Vidal French at Doctor George Carpio mula sa
Philippine American Club NY kasama ang Arellano University OJT’s, Mike Delta Force (MDF) at Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI) force multipliers.

Katuwang din sa programa ang mga tauhan ng Malabon City Police Station at ang JTF NCR, R-PSB personnel.

May kabuuang 75 na miyembro ng United PWD at 100 na benepisyaryo galing sa Catmon AKAY ang nakinabang sa nasabing programa.

Naglalayon ang programa ng grupo na matulungan ang mga pamilyang naghihikahos upang maipadama ang pagmamahal at malasakit mula sa gobyerno sa tulong ng mga Advocacy Support Groups sa ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *