Coastal Clean-up activity, isinagawa ng KKDAT Virac Chapter sa Catanduanes

Nagsagawa ng Coastal Clean-up activity ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) Virac Chapter sa Barangay Gogon Sirangan, Virac Catanduanes nito lamang ika- 7 ng Mayo 2023.

Kaisa rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Virac MPS, sa pangunguna ni PSSg Antonino B Aquino, MCAD PNCO.

Nagtulung-tulong ang bawat isa sa paglilinis ng mga basura sa paligid ng dalampasigan kung saan nakakuha sila ng mga sako sakong basura sa paligid nito.

Layunin ng isinagawang aktibidad na ito na hikayatin ang mga mamamayan sa lugar na maging responsable sa pagtatapon ng mga basura upang mapanatili ang malinis at ligtas na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *