KKDAT nakiisa sa Clean-up Drive sa Mayantoc, Tarlac

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Nambalan, Mayantoc, Tarlac nito lamang Martes, ika-9 ng Mayo 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Mayantoc Municipal Police Station kasama ang mga mag-aaral ng San Bartolome High School.

Nagkaisa sa pagwawalis at pagpupulot ng mga plastik na siyang nagdudulot ng polusyon sa ilog.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at mailayo sa sakit ang kanilang mga kapwa residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *