Alpha Kappa Rho Manila Chapter, nakiisa sa Urban Gardening Activity sa Maynila

Maynila — Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Alpha Kappa Rho Manila Chapter sa isinagawang Urban Gardening Activity na ginanap sa Brgy. 128 Communal Farm sa Maynila nito lamang umaga ng Linggo, Mayo 14, 2023.

Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng R-PSB ng Team Barangay 128, sa pangunguna ni PSSg Dela Cruz.

Nakapagtanim ang naturang grupo ng mga namumungang puno at gulay sa nasabing barangay.

Ang aktibidad ay hindi lamang nagpapabuti sa kagandahan ng kapaligiran kundi nakakatulong din ito sa isang matiwasay na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *