Feeding Program, isinagawa ng Faith Based Advocacy Support Group sa Lantag Elementary School

Nagsagawa ng feeding program ang Faith Based Advocacy Support Group na pinangunahan ni Ptra. Leslie Agader sa paaralan ng Lantag Elementary School, Sta Cruz, Ilocos Sur nito lamang Lunes, ika-15 ng Mayo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang Jesus Christ our Glorious Bridegroom, 103rd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 1 at Sta Cruz Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Major Darwin T Julian, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga estudyante sa nasabing paaralan para magkaroon ng sapat na lakas sa kanilang pag-aaral at upang magkaroon ng malakas na pangangatawan.

Patuloy ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa mamamayan na nangangailangan tungo sa isang maayos at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *