Bless Our Cops (BOC), bumisita sa tanggapan ng Mandaluyong CPS

Mandaluyong City — Bumisita at nag-courtesy call ang mga miyembro ng Bless Our Cops (BOC) bilang mga life coaches ng Mandaluyong City Police Station na ginanap sa 5th Floor Conference Room, New BFB-PNP Building, Maysilo Circle Brgy. Plainview, Mandaluyong City nito lamang hapon ng Lunes, Mayo 15, 2023.

Ang aktibidad ay pinamunuan ni G. Renato “RP” Paraan, Director ng BOC kasama ang ibang opisyales ng istasyon na nagbigay pugay sa bagong luklok na Chief of Police ng Mandaluyong CPS na si Police Colonel Cesar T Gerente.

Kasabay nito, nagsagawa ang BOC ng moral at spiritual nourishment sa mga dumalo na tauhan ng nasabing istasyon.

Layunin ng grupo na panatilihing nakasentro ang bawat isa sa mga salita ng Diyos upang maiwasan ang mga maling gawain at magkaroon ng isang mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *