Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Activity, isinagawa ng MENRO Bohol

Candijay, Bohol – Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Activity ang mga miyembro ng Municipal Environment and Natural Resource Office (MENRO) sa Purok 4 Brgy. Panas, Candijay, Bohol nito lamang Hunyo 2, 2023.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa Bohol, maging ng mga Barangay Officials.

Namulot ang grupo ng mga nakakalat na basura at nakapagtanim ng may kabuuang 300 mangrove seedlings sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang pagpapahalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *