Advovacy Support Groups lumahok sa isinagawang Clean-up Drive at Tree Planting sa Malabon City

Malabon City- Ganadong lumahok ang iba’t ibang Advocacy Support Groups sa isinagawang Clean-up Drive at Tree Planting na ginanap sa MEGA DIKE Brgy. Dampalit, Malabon City nito lamang Biyernes, Hunyo 2, 2023.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan
sa tulong at suporta ng AFPSLAI Camp Aguinaldo at DENR-NCR kasama ang mga Advocacy Support Groups tulad ng M.E.B.V., AKHRO, MMTF, UNITED PWD, SAMAKA KALIPI, Malabon National High School OJT, JTF-NCR, R-PSB, RCSP Malabon. Katuwang ang mga tauhan ng Malabon City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Amante B Daro, Chief of Police.

Layunin ng grupong ito na pangalagaan ang mga likas na yaman sa pamamagitan ng paglilinis ng dalampasigan at pagtatanim ng mga punong makakatulong na mabawasan ang pagbaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *