Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Glan, Sarangani
Kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month ay isinagawa ang Coastal Clean-Up Drive sa Purok Santo Niño, Barangay Big Margus, Glan Sarangani nito lamang ika – 7 ng Hunyo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Barangay Local Government Unit na aktibo namang nilahukan ng mga miyembro ng Kabataaang Makadagat (KAMADA), Regional Mobile Force Battalion 12 at ang mga kalapit na residente sa baybayin.
Sabay-sabay na naglinis ang mga nasabing grupo sa baybayin sa naturang lugar.
Ang coastal clean-up ay bahagi ng programang isinusulong ng mga nasabing ahensiya ng gobyerno bilang pagpapaigting ng proteksyon at konserbasyon ng kapaligiran at magbigay kaalaman sa komunidad tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.