Clean-Up Drive, pinangunahan ng Estero Ranger sa Quezon City

Quezon City- Pinangunahan ng mga tauhan ng Estero Ranger ang isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa Isla Noah, Sitio Taniman 2, Brgy. Batasan Hills sa Quezon City nito lamang Martes, Hunyo 6, 2023.

Ang aktibidad ay pinamunuan ni Ms. Jean Paula A. Samson, River Protection Officer 1 ng DENR kasama ang R-PSB Team ng Brgy Batasan Hills.

Nagkaroon ng paglilinis ng ilog at declogging ng mga daanan ng tubig para mabawasan ang pagbaha sa lugar.

Naglalayon ang programang ito na magbigay paalala sa publiko tungkol sa tamang pagtapon ng mga basura at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at ng mga daluyan ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *