Avdocacy Support Groups at Stakeholders nakiisa sa Barangay Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Avocacy Support Groups at Stakeholders sa isinagawang Barangay Outreach Program na ginanap sa Brgy 128 Tondo, Manila nito lamang Lunes, Hunyo 12, 2023.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pinagsanib-puwersa ng Brgy. Happy Land, JTF NCR, Gawad Kalinga, 12th CMO Battalion, at The Graduate of Philippine Military Academy Helping Out Project (TGPMA HOP) sa pangunguna ni Gen. Roberto Yap katuwang ang R-PSB Team ng nasabing Barangay.

Tulong-tulong ang grupo sa pamamahagi ng libreng pagkain, gamot, at bitamina sa humigit-kumulang pitong daan (700) na nasasakupan ng barangay.

Sa ganitong paraan ng grupo ay mapapabuti ang kapakanan at kalusugan ng ating mga kababayan upang magkaroon ng malusog at ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *