Tree Growing Activity, isinagawa ng Carmen LGU sa Davao Del Norte
Nagsagawa ng Tree Growing Activity ang mga tauhan ng Municipality of Carmen, Davao Del Norte (MCDDN) katuwang ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 4B sa MRF Sitio Anahaw, Brgy. Tuganay, Carmen,Davao del Norte, Hunyo 11, 2023.
Nakapagtanim ng Iba’t-ibang punong-kahoy ang MCDDN sa pangunguna ni Hon. Leonidas Bahague, Municipal Mayor, katuwang ang mga tauhan ng R-PSB Cluster 4B sa pangunguna ni PCMS Halic K Osama, Team Leader.
Ang mga nasabing pananim ay makapagbibigay ng malaking benepisyo sa buhay ng bawat residente tulad ng pag-iwas sa mga sunod-sunod na trahedya na dulot ng bagyo na siyang nagpapalambot sa lupa na nagiging sanhi ng land slide.
Samantala, nakiisa naman sa nasabing aktibidad ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno gaya ng Philippine Army, DepEd of Carmen National High School, LGU Employee, Philippine Coastguard, BFP, TADECO at marami pang iba.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong sa kapaligiran bilang bahagi ng reforestation project para sa paghahanda laban sa banta ng climate change at upang maprotektahan ang kaligtasan ng bawat residente sa lugar.