Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Santiago, Ilocos Sur

Pinangunahan ng Force Multipliers, Barangay Officials, Barangay Based Advocacy Support Group, at Women Advocacy Support Group ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Poblacion Norte at Sur, Santiago, Ilocos Sur nito lamang ika-25 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang Santiago Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Henry D Garcia, Officer-in-Charge.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng malusog, ligtas at maayos na kapaligiran para sa ikakabuti ng ating mamayan.

Hinikayat ng grupo ang mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Source: Santiago, Municipal Police Station, Ilocos Sur

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *