Advocacy Support Groups, nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa Amburayan Riverside ng Sudipen, La Union.

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang Advocacy Support Groups sa Amburayan riverside, Brgy. Ipet, Sudipen, La Union nito lamang ika-24 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ang Namaltugan Zumba Movers, Tagudin Fitness Crew at Sudipen PNP na pinapangunahan ni Police Major Ricardo C. Serrano Jr., Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga residente na linisin ang kanilang baybayin lalo na sa panahon tag-ulan pati na rin ang tamang pagtapon ng mga basura para maiwasan ang pagbasa sa lugar at mailayo na rin ang mga residente sa mga sakit ng dulot ng maruming kapaligiran.

Patuloy pa rin ang grupo sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang mapigilan ang lumalalang polusyon at mailigtas ang kalikasan sa tuluyang pagkasira nito.

Source: Sudipen Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *