Community Outreach Program, isinagawa ng PNP at LGU sa GenSan City

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Police Station 6 ng General Santos City kasama ang Lokal na Pamahalaan ng General Santos City sa Barangay Lagao, General Santos City nitong ika-24 ng Hunyo, 2023.

Pinangunahan ni Police Captain Ari Noel Hinayon Cardos, Station Commander ang aktibidad kasama ang Lokal na Pamahalaan ng GenSan, I-rich Consumer Goods Trading, Sarangani Lions Club, Gensan Lady Eagles Club, Yumang Law Office, Travellers Insurance and Surety Corporation at Coca Cola Phils ng General Santos City.

Isinagawa sa naturang aktibidad ang libreng eye at dental check-up, libreng gupit, feeding program, pamamahagi ng libreng mga gulay at foodpacks.

Masaya naman ang mga residente sa tulong na kanilang natanggap mula sa mga kapulisan at ng pamahalaan. Ang mga ganitong aktibidad ang nagpapatunay na gising at aktibo ang partisipasyon ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa kanilang nasasakupan upang mas maging progresibo at mapayapa ang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *