Clean up Drive, isinagawa ng MENRO Midsayap sa Cotabato

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Midsayap sa Poblacion 1, Midsayap, Cotabato nito lamang ika- 22 ng Hunyo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng MENRO Midsayap, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), St. Jude College of Science and Technology at mga Advocacy Support Groups na kung saan tulong-tulong sila sa paglilinis sa nasabing lugar.

Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng nasabing barangay sa aktibidad na isinagawa ng grupo na naglalayong masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng bawat residente ng nasabing barangay.

Patuloy na magsasagawa ang MENRO Midsayap ng mga ganitong aktibidad katuwang ang iba’t ibang grupo at ahensya ng pamahalaan para sa malinis at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *