Advocacy Support Groups at Force Multipliers, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Eastern Sama
Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang miyembro ng Advocacy Support Groups at Force Multipliers ng Can-avid sa Brgy. Canteros, Can-avid, Eastern Samar nito lamang Sabado, Hunyo 24, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng CENRO Dolores sa pamumuno ni Flordeliza C. Dela Cruz, CENR Officer, MENRO ng Can-avid na pinamumunuan ni Gerry O Amoyan, mga kinatawan mula sa Society of Filipino Foresters ng Can-avid, Eastern Samar sa pagdiriwang sa ika-160th taon ng Philippine Forestry Service and Arbor Day.
Nakilahok din ang mga tauhan ng Can-avid Municipal Police Station sa pangunguna ni PCMS Howell R Java, MESPO sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Allan J Calceta, Actung Chief of Police.
Ang aktibidad ay naglalayon na hikayatin ang komunidad sa pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang malasakit sa kapaligiran, at pagbabawas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng pagbabago ng klima.