Advocacy Support Groups nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity sa Quezon City

Quezon City- Nakiisa ang bawat miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa DENR La Mesa Watershed, Quezon City nito lamang Sabado, Hunyo 24, 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Battalion Community Affairs Section sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB.

Ang aktibidad ay nilahukan ng empleyado mula sa DENR NCR Farm Worker, mga estudyante at mga guro mula sa Parañaque HEMS, Arcadio High School, Rover Circle XVI, mga miyembro ng Renaissance Youth at Sumulong community (Rover Scouting). Sama-sama ang natipon na grupo sa pagtanim ng mga fruit bearing trees na makakatulong sa kalikasan upang maging malinis ang hangin at maging luntian pa ang kapaligiran.

Hangarin din ng grupo na ipakita sa publiko lalo na sa mga kabataan ang kabutihang maidudulot ng pagtatanim at turuan na din sila na pagyamanin ang mga likas na yaman para sa mas maginhawa, mapayapa at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *