KKDAT, nakiisa sa Clean-up Drive Activity sa Guimaras

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang clean-up drive activity na ginanap sa National Road ng Brgy Concordia, Nueva Valencia, Guimaras nito lamang ika-25 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng Nueva Valencia Municipal Police Station, TUPAD members, IWAG, Barangay Peacekeeping Action Team, Barangay Health Worker at Barangay Officials.

Nilinis ng mga kalahok ang mga baradong kanal at hinakot ang lahat ng basura upang maiwasan na pamugaran ng lamok na maaaring magdulot ng sakit sa mga residente.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang mapanatili kalinisan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *