Brgy. Based Advocacy Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga Brgy. Based Advocacy Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Magsaysay, Balangkayan, Eastern Samar nito lamang Hunyo 25, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, katuwang ang mga Brgy. Based Advocacy Group sa pamamagitan ng pamimigay ng food packs sa humigit 38 na pamilya sa nasabing lugar.

Pasasalamat naman ang naging batid ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap.

Layunin ng grupo na tulungan, mapasigla, at suportahan ang mga residente sa ilang serbisyo at maiparating ang malasakit at pagmamahal sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *