Community Outreach Program, isinagawa ng Force Multipliers sa Cebu

Cebu City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Force Multipliers sa mga mag-aaral ng Ermita Day Care Center, Ermita, Cebu City nito lamang ika-26 ng Hunyo 2023.

Matagumpay na nailunsad ang aktibidad sa pangunguna ng The Fraternal Order of Eagles katuwang ang Cebu City Police Station 5 sa pamumuno ni Police Major Miles Bacniat Damoslog, Station Commander, at AFP.

Namahagi ang naturang grupo ng school supplies sa mga mag-aaral ng Ermita Day Care Center na siyang labis na ikinatuwa ng mga ito maging ng kanilang mga magulang.

Ang mga ganitong hakbang ng naturang grupo ay naglalayong makapaghatid ng pangunahing serbisyo sa mga mag-aaral lalo na sa kanilang kapakanan at seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *