Advocacy Support Groups, nakiisa sa Tree Planting Activity

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Banila, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya nitong Sabado ika-15 ng Hulyo 2023.

Kinabibilangan ng mga miyembro ng Kaligkasan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), katuwang ang mga tauhan ng Dupax del Sur Police Station ang nagtulong-tulong at nagkaisa sa tagumpay nang nabanggit na aktibidad.

Nasa 50 na narra seedlings ang naitanim ng mga grupo sa naturang barangay. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at upang makatulong sa pagsugpo sa suliranin ng pabago-bagong klima.

Source: Dupax del Sur PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *