Oathtaking Ceremony ng mga bagong BPAT’s sa Marikina City, isinagawa



Aktibong nakilahok ang mga bagong miyembro ng Baraangay Peace Action Team sa isinagawang Oathtaking Ceremony na ginanap sa Sub-Station 5, Brgy. Parang, Marikina City nito lamang Biyernes, Hulyo 14, 2023.
Ito ay pinangunahan ng kapulisan ng Marikina City Police Station, sa pamumuno ni Police Colonel Earl B Castillo, Chief of Police ng istasyon kasama sina Kap. Ronald C Zulueta, at BPATs Coordinator ng nasabing barangay.
Layunin ng programa na lalong tumibay ang samahan ng kapulisan at barangay upang mapabilis ang pagsugpo ng anumang uri ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan.