Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Pinili, Ilocos Norte

Pinangunahan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Persons Who Use Drugs (PWUDS) at Barangay Officials ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Dalayap, Pinili, Ilocos Norte nito lamang ika-15 ng Hulyo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang Pinili Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Kester L Arellano, Officer-in Charge. Ang naturang aktibidad ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nakikiisa sa ating kapulisan upang mapanatili ang sigla at kalinisan ng ating kapaligiran.

Patuloy naman ang grupo na paalalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran. Source: Pinili, Municipal Police Station, Ilocos Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *