Force Multipliers, nagsagawa ng Blood Letting Activity sa Tacloban City

Nagsagawa ang mga Force multipliers ng Blood Letting Activity na ginanap sa 2F, Robinsons North Tacloban City nito lamang Linggo, Hulyo 16, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Rotary Club Area 3-B Kandaya sa kanilang One District, One Rotary of Rotary Club ng Tacloban sa pakikipagtulungan ng DOH at Red Cross Eastern Visayas kasama ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office.

Naging tema ng aktibidad ang “Create Hope in the World”, na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga pamilya.

Samantala, pinasalamatan naman ng grupo ang lahat ng mga blood donors na boluntaryong nakilahok sa aktibidad.

Patuloy na maglilingkod at magpapaabot ng tulong ang nasabing grupo sa mga mamamayan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *