Tree Planting activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Bayambang Pangasinan

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Advocacy Support Group sa Barangay Hermoza, Bayambang, Pangasinan nito lamang Martes, ika-18 ng Hulyo 2023.

Aktibing nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group, Barangay-based, Youth and Force Multipliers, BPATS at Xtreme Rider Club Members katuwang ang Bayambang PNP na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Rommel P Bagsic, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na mapalago pa ang likas na yamang lupa at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran. Samantala, patuloy naman ang mamamayan at iba’t ibang grupo sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan mapapanatili nila ang kagandahan ng kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *