Force Multipliers at KKDAT, nakiisa sa Feeding Programsa Aparri, Cagayan

Nakiisa ang mga kasapi ng Force Multipliers at KKDAT sa isinagawang ng Feeding Program sa Brgy. Maura, Aparri Cagayan noong ika-16 ng Hulyo 2023.

Nagtulungan ang mga miyembro ng KABALIKAT CIVICOM, Kabataan Kontra Droga at Terorismo kasama ang mga tauhan ng Aparri Police Station sa naturang aktibidad.

Tuwa at pasasalamat ang naging tugon ng mga residente sa handog na libreng mainit na sopas, juice at tinapay ng naturang grupo. Layunin nito na maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga residente lalo na sa kanilang kapakanan at seguridad, gayundin upang ipadama sa kanila na ang ahensya ng pamahalaan at iba pang volunteer groups ay laging handang tumulong sa lahat ng oras.

Source: Aparri PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *