Muslim Youth Leader nakiisa sa isinagawang Feeding Program sa Taguig City

Masayang nakiisa ang mga miyembro ng Muslim Youth Leader (MYL) sa isinagawang feeding program sa Darul Aytam, Islamic Education and Guidance Association- Orphanage sa MCC Village, Maguindanao Street, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Sabado, Agosto 5, 2023.

Naganap ang programa sa tulong ng SALAAM POLICE CENTER (SPC) ng RMFB-NCRPO sa pamumuno ni Police Colonel Mario P Malana, Force Commander ng RMFB.

Nasa 40 na estudyante ng Muslim Orphans ang naging benepisyaryo sa naturang aktibidad na ikinatuwa ng mga bata.

Patuloy namang magsasagawa ang naturang grupo ng parehong aktibidad upang makapaghatid ng pagkain sa mga kababayan nating kabilang sa mga mahihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *