Force Multipliers, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Iloilo

Masugid na nakiisa sa Tree Planting Activity ang mga miyembro ng force multipliers sa ginanap sa Namocon Coastal Area, Brgy Namocon, Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-11 ng Agosto 2023.

Ang Aktibidad ay pinangunahan ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company at LOVE OR OWN BRETHREN (LOOB) INC. na dinaluhan din ng Tigbauan MPS, Philippine Coastguard Tigbauan Sub-Station, MENRO, Bureau of Fire Protection, Citizen Crime Watch, Faith Based, Brgy Officials at Advocacy Support Group.

Mahigit sa 100 na puno ng Tropical almond tree ang matagumpay na naitanim ng mga kalahok sa naturang lugar.

Layunin ng grupo na protektahan at pangalagaan ang ating kalikasan para pa sa mga susunod na henerasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *