BPSO, nakatanggap ng handheld radios mula sa R-PSB

Nakatanggap ng handheld radios ang mga miyembro ng Barangay Public Safety Officers ng Barangay Linabo mula sa mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay sa Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Agosto 11, 2023. Ito ay bahagi ng Quick Impact Project (QIP) ng Revitalized Pulis sa Barangay na matulungan ang iba’t-ibang grupo sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar na nasasakupan.

Bukod sa natanggap na radio ay tinuro din ng R-PSB kung paano ito gamitin. Ang ugnayan ng BPSO at R-PSB Malaybalay City ay nagpapatunay na makakamtan natin ang kaunlaran natin sa ating bayan kung lahat tayo ay nagtutulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *