Youth Mobile Force, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Youth Mobile Force- Ifugao sa isinagawang Tree Planting Activity sa Northern Cababuyan, Hingyon, Ifugao nito lamang ikaw-12 ng Agusto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 15 katuwang ang Youth Mobile Force Ifugao, Hingyon PNP, Northern Cababuyan BLGU at volunteers.

Ang nasabing grupo ay nagsama-samang nagtanim ng 250 piraso ng narra at 250 piraso ng mahogany sa naturang lugar. Ang aktibidad ay naglalayong maprotektahan ang ating inang kalikasan at mapanatili ang luntiang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *