BPATs sumailalim sa Barangay Empowerment Training

Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagsasanay sa Barangay Malacampa, Camiling, Tarlac nito lamang Martes, ika-15 na Agosto 2023.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Trlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Ford B. Sudaypan, Force Commander.

Tinuruan ang mga BPATs ng wastong pamamaraan sa pagposas at self defense gamit ang arnis. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan ng mga BPATs sa iba’t ibang batas at mahubog ang kanilang mga kakayahan na magagamit sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *