Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga Force Munitipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Carangas, Brgy. Aruganga, Dolores, Eastern Samar nito lamang Linggo ik-13 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay inisyatuiba ng 1st Eastern Samar PMFC kasama ang mga Barangay Officials sa pangunguna ni Hon. Javier A Lapesura, Barangay Kapitan at mga residente ng nasabing lugar.

Ilang serye ng parlor games ang isinagawa na may mga premyo para sa mga mananalo at pamamahagi ng mga coloring books, krayola, at meryenda sa mahigit 120 na kabataan. May kabuuang 20 na bata naman ang nakinabang ng libreng gupit na iniaalok ng 1st ESPMFC Mobile Barbershop.

Ang gawaing ito ay isa sa mga aktibidad na nagbibigay-diin sa 5-Focused Agenda ni CPNP na siyang Community Engagement na naglalayong palakasin ang matibay na koneksyon at bumuo ng tiwala at kumpiyansa sa pagitan ng PNP at ng komunidad lalo na ng mga bata sa henerasyon ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *