Datu Luminog Mangelen Pilot Elementary School at Buluan National High School nagsagawa ng Brigada Eskwela

Buluan, Maguindanao del Sur – Nagsagawa ng Brigada Eswkela ang Datu Luminog Mangelen Pilot Elementary School at Buluan National High School, Poblacion, Buluan, Maguindanao Del Sur noong Agosto 15, 2023.

Ang isinagawang Brigada Eskwela 2023 ay sa pamumuno ng Kagawaran ng Edukasyon na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan” katuwang ang Buluan Municipal Police Station, Buluan Fire Station, Buluan Local Government Unit, at mga magulang ng mga mag-aaral. Ang Brigada Eskwela ay isang kampanya ng Kagawaran ng Edukasyon na kung saan ay kapag sasapit na ang pasukan ng mga mag-aaral ay sama-samang pinagtutulungang linisin, at kumpunihin ang mga silid aralan at iba pang lugar sa paaralan.

Dagdag pa, ang Brigada Eskwela ay napakalaking tulong sa paghahanda sa nalalapit na pasukan at para na rin mapanatili ang kaayusan ng kagamitan ng paaralan at para ipakita ang pagkakaisa ng pamahalaan at ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *