Nakiisa sa isinagawang clean-up drive ang Kabataan Kontra Druga at Terorismo (KKDAT) sa Banao, Suguib, Besao, Mt. Province nito lamang Agosto 14, 2023.

Ang aktibidad ay pinanguhanan ng 1st Mt. Province PMFC katuwang ang Besao PN, LGU Employees, Barangay Officials at mga residente ng nasabing lugar.

Naging matagumpay ang aktibidad kung saan nakalikom ng sako-sakong plastic, cellophane at mga basura matapos ang aktibidad. Layunin nito na ibahagi sa mga mamayan ang tamang paglilinis ng kapaligiran at pagtatapon ng basura.

Gayundin, na mahikayat ang mga KKDAT members at volunteers na patuloy makiisa sa mga aktibidad sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *