Pagkakabit ng solar lights, isinagawa sa MisOr

Bilang bahagi ng Quick Impact Project (QIP) ng Revitalized Pulis sa Barangay ay nagkabit ng solar lights sa Barangay Abunda, Magsaysay, Misamis Oriental nito lamang ika-15 ng Agosto 2023.

Katuwang sa pagkakabit ng solar lights ang 23 Infantry Battalion ng Philippine Army. Makakatulong ito na lalong lumiwanag ang lugar at makaiwas sa anumang uri ng krimen.

Nag-abot naman ng pasasalamat ang mga residente sa tulong na handog ng R-PSB at Philippine Army na sinisiguro ang kanilang kaayusan at katahimikan sa kanilang pamayananan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *