Brigada Eskwela 2023, isinagawa sa Midsayap, Cotabato

Aktibong nakiisa ang mga magulang at iba pang volunteers sa isinagawang Brigada Eskwela at OPLAN Balik Eskwela 2023 sa Agriculture Central Elementary School, Midsayap, Cotabato nito lamang ika-17 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan”, pinangunahan ng mga guro ang naturang aktibidad kasama hanay ng 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni PLtCol Nestor M Maderse JR, Force Commander, mga magulang, at stakeholders.

Naging sentro ng paglilinis ay ang pagputol ng mga matatayog na damo sa nasabing paaralan. Ang Brigada Eskwela ay isang kampanya ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan ay kapag nalalapit na ang pasukan ng mga mag-aaral ay sama-samang pinagtutulungang linisin, at ibalik sa ayos na kagandahan ang mga silid aralan at iba pang mga kagamitan ng mga guro at mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *