Advocacy Support Group nagsagawa ng Gift Giving Activity sa Aklan

Aklan- Nagsagawa ng gift giving activity ang mga miyembro ng Seefarers association of Aklanon sa New Washington Auditorium at Sports complex ng Poblacion, New Washington, Aklan nito lamang ika-19 ng Agosto 2023.

Katuwang ng grupo ang Aklan Maritime Police Station, New Washington Municipal Police Station, Local Government Unit ng New Washington at si Pastor Leonidez Q Florencio, Life Coach ng New Washington MPS.

Nakatanggap ng libreng food packs ang mga residente ng nasabing lugar na mula sa donasyon ng Seefarers association of Aklanon.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo na sila ang napili handugan ng gift packs ng nasabing grupo.

Patuloy ang ang grupo sa mga ganitong aktibidad upang matulungan ang mga kababayan natin na lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *