Advocacy Support Group, nagbayanihan sa isinagawang Brigada Eskwela sa Samar

Nagkaisa ang mga Advocacy Support Group at kapulisan sa isinagawang Brigada Eskwela sa Dampigan Elementasry School sa Brgy. Dampigan, Santa Rita, Samar nito lamang Agosto 17, 2023.

Matagumpay na naisagawa ang pagkukumpuni ng mga sirang gamit, paglilinis at pagpipintura ng classroom, at pagsasaayos ng mga upuan para sa mga estudyante upang maging komportable sila sa darating na pasukan.

Ang Kick-off Ceremony ng Brigada Eskwela 2023 ay may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang ugnayan ng PNP at DepEd sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng face-to-face classes para sa darating na pasukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *