Force Multipliers, aktibong nakiisa sa Brigada Eskwela 2023

Antique- Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang brigada eskwela na ginanap sa Colonel Ruperto Abellon Memorial School, Patnongon, Antique nito lamang ika-17 ng Agosto 2023.

Dumalo sa aktibidad ang mga tauhan ng Patnongon Municipal Police Station katuwang ang Federation of Bantay Bayan Visayas Region (Patnongon Chapter), Citizen Crime Watch, United Fraternities and Sororities of Patnongon, Municipal Advisory Council in Police Transformation and Development.

Nilinis at inayos ng grupo ang nasabing paaralan upang maiwasan ang iba’t ibang sakit na dulot ng maduming lugar at para sa kaligtasan ng mga estudyante sa paparating na pasukan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan na maayos na protektadong paaralan ang mga estudyante para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *