Faith-based Volunteer, nakiisa sa Feeding Program sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga Faith-based Volunteer sa isinagawang Feeding Program ng mga tauhan ng Taft Municipal Police Station sa Brgy. San Luis, Taft, Eastern Samar nito lang Biyernes ng umaga, ika-18 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Taft MPS sa pamumuno ni PCpt Angelyn Glou A Cortado, Office-In-Charge, kasama ang Faith-based Volunteer.

Namahagi ng mainit na lugaw ang grupo upang magbigay ngiti sa mahigit kumulang 60 na kabataan ng nasabing barangay.

Ang aktibidad ay replikasyon ng ESPPO’s Good Deeds na binansagan bilang “Palugaw Ng Pulis” na may temang “Serbisyong Payos, Ayos” na naaayon sa paghahatid ng libreng serbisyo publiko sa bawat residente ng lugar upang matiyak ang mas ligtas at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *