BPATs, nakiisa sa Preventive Patrolling sa Batangas

Nagsagawa ng Preventive Patrolling ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Brgy. Tanggoy, Balayan, Batangas nito lamang Linggo, Agosto 20, 2023. Kaakibat ng BPATs ang mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Mervin Lopez sa direktang superbisyon ni Police Major Domingo Ballesteros Jr, Acting Chief of Police.

Nagpatrolya ang naturang grupo para maiwasan ang mga ilegal na aktibidad at mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan ng kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *