BPATs Seminar isinagawa sa Mayantoc, Tarlac

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams na ginanap sa Municipal Hall, Barangay Poblacion Sur, Mayantoc, Tarlac nito lamang Martes, ika-29 ng Agosto 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tarlac Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Erwin O Sanque, Provincial Director.

Tinuruan ng self-defense at arresting techniques na maaari nilang magamit sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Binigyan rin sila ng kaalaman patungkol sa iba’t ibang batas at mga programa ng PNP. Patuloy ang maigting na ugnayan ng PNP at BPATs sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *