Grupo ng Kababaihan lumahok sa Livelihood Program sa Tanza, Cavite

Aktibong nakilahok ang mga Grupo ng Kababaihan sa isinagawang Livelihood Program na ginanap sa SAGIPPA Office, Barangay Bagtas, Tanza, Cavite nito lamang Miyerkules, Agosto 30, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station sa direktang superbisyon ni Police Major Dennis Villanueva, Officer-in-Charge katuwang ang mga trainees ng FTP.

May humigit sa 40 na kababaihan ang nakiisa sa paggawa ng diswashing liquid. Layunin nitong mabigyan ng pangkabuhayan ang mga kababaihan para may kitang pangtustos sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *